^

Police Metro

Brgy. chairman, misis sa Sultan Kudarat, utas sa ambush

Doris Franche-Borja, John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang barangay chairman sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte at misis nito ang nasawi nang pagbabarilin sa naganap na ambush, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot ang mag-asawang sina Bulibod Brgy. Chairman Esmael Latip Mustapha at misis na si Rahima Maulana na brgy. secretary.

Ayon kay Sultan Kudarat Municipal Police Station chief PLtCol. Esmael Madin, nangyari ang pamamaril, alas- 10:30 Linggo ng gabi habang papauwi na ang mga biktima.

Naglalakad ang mga biktima sa madilim na kalsada nang biglang harangin ng nasa anim na kalalakihan na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril at pinagbabaril.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya upang malaman ang motibo ng pamamaslang sa mga biktima.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with