^

Police Metro

3 ex-cabinet member nasa ‘hot water’

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong dating cabinet member ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang iginigisa sa Kamara dahil umano sa pagkasangkot ng mga ito sa iregularidad.

Una ay ibinunyag ni PAGCOR Chair Alejandro Tengco sa Senate hearing, kamakailan na si dating Presidential Spokesman Sec. Harry Roque ay lumapit sa kanya para ipakiusap ang isang POGO site para maayos ang problema nito.

Mariin namang itinanggi ni Roque ang alegasyon ni Tengco na nag-aabogado siya ng ni-raid na Luck South 99 na isang POGO.

Ikalawa ay si dating Economic Adviser Michael Yang na ipinaaaresto na ng Kongreso matapos dedmahin ang hearing sa dangerous drugs na sinasabing sangkot  sa drug bust sa Pampanga noong nakaraang taon.

Ayon kay House Chairman on Dangerous Drugs Rep. Robert Barbers, dakpin at dalhin sa Kongreso si Yang para sagutin ang mga paratang laban sa kanya.

Ang ikatlo ay si dating DBM USec. Lloyd Christopher Lao na sinampahan na ng kasong graft ng Ombudsman sa Sandiganbayan dahil sa Pharmaly overprice na medical supply noong kasagsagan ng COVID pandemic.

Wala pang reaksyon sina Lao at Yang sa ibini­bintang sa kanila.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with