^

Police Metro

Ilang Pinoy seamen na hawak ng Houthi rebels, nagkakasakit na

Gemma Garcia - Pang-masa
Ilang Pinoy seamen na hawak ng Houthi rebels, nagkakasakit na
A grab from handout footage released by Yemen's Huthi Ansarullah Media Centre on Nov. 19, 2023, reportedly shows members of the rebel group during the capture of an Israel-linked cargo vessel at an undefined location in the Red Sea. Israeli ships are a "legitimate target", Yemen's Huthi rebels warned on November 20, a day after their seizure of the Galaxy Leader and its 25 international crew following an earlier threat to target Israeli shipping over the Israel-Hamas war.
AFP / Ansarullah Media Centre

MANILA, Philippines — Ilan sa 17 Filipino seamen na crew ng MV Gala­xy Leader na hawak ng Houthi rebels sa Yemen ang nakakaranas na umano ng sakit na malaria.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil at sinabing patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa gobyerno ng Yemen para bigyan ng medical assistance ang mga Filipino crew members ng MV Galaxy leader.

Sinabi pa ni Garafil na tinatrabaho na rin ng pamahalaan ang pagpapalaya sa mga Filipino seafarers para sa humanitarian reasons.

Batay sa report na nakarating sa Pangulo, kinumpirma ni Honorary Consul to Yemen Mohammad Saleh Al-Jamal ang pagkakasakit ng ilan sa mga Filipino crew ng barko kaya humingi ito ng tulong sa Sana’a authorities na palayain ang mga ito upang malapatan agad ng lunas.

Tumugon naman umano ang Sana’a authorities na magpapadala sila ng mga espesyalistang doktor sa MV Gala­xy Leader upang tingnan ang kondisyon ng mga nagkakasakit na Pinoy seamen.

Ang Sana’a ang ca­pital ng Yemen at may kontrol umano sa mga rebeldeng bumihag sa mga Filipino seaman.

Gayunman, matigas ang posisyon ng mga may kontrol sa Houthi rebels na palalayain lamang ang 17 Filipino seamen depende sa kalalabasan ng negosasyon kaugnay sa isyu ng gulo sa pagitan ng Israel at Gaza.

Ang MV Galaxy Lea­der na may sakay na 17 Fili­pino crew ay na-hijacked ng mga rebelde noong November 2023 habang bumibiyahe sa Red Sea.

MALARIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with