^

Police Metro

P1 bilyong budget para sa mga biyahe ni Pangulong Marcos sa 2025

Gemma Garcia - Pang-masa
P1 bilyong budget para sa mga biyahe ni Pangulong Marcos sa 2025
Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Naglaan ang Department of Budget and Ma­nagement (DBM) ng mahigit isang bilyong piso para sa mga nakatakdang biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa susunod na taon.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na P1.054 billion ang panukalang alokasyon para sa travel expenses ng Office of the President sa 2025 National Expenditure Program.

Ayon kay Pangandaman, mas mababa ito ng walong porsiyento kum­para sa kasalukuyang budget ng Office of the President na P1.148 billion.

Mahalaga aniya ang mga biyahe ng Presidente dahil kailangang i-follow up ang mga napirmahang mga kasunduan sa iba’t ibang mga bansa para sa mga dagdag na pamumuhunan at trabaho sa Pilipinas.

Kasama sa mga mis­yon ng Presidente tuwing bumibiyahe abroad ay mang­hikayat ng mga negosyante at mga foreign investor para maglagak ng puhunan sa bansa.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with