^

Police Metro

DOJ hinarang ang utos ng BI na pagpapatalsik sa POGO workers sa loob ng 60-araw

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinarang ng Department of Justice (DOJ) ang 60-araw na deadline na itinakda ng Bureau of Immigration (BI) para sa mga foreign nationals na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) upang umalis ng bansa.

Ito’y dahil kailangan pa umanong ayusin ang mga istratehiya ng pamahalaan sa pag-phase out ng gaming industry sa pagtatapos ng taon at gawin itong organisado.

Tinukoy ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang kautusan na inilabas ng BI noong Hulyo 24, kasunod ng kautusan ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na i-ban na ang mga POGO sa bansa.

Ipinaliwanag ni Remulla na hindi maaaring independiyenteng umaksyon ang BI sa deadline nito.

Dagdag pa niya, ang unang opsiyon pa rin para sa mga dayuhang POGO workers ay bolunt­aryong umalis ng bansa.

Hihingi rin ang DOJ ng klaripikasyon mula sa BI hinggil sa panuntunan na dapat sundin dahil ito ay dapat na ‘in consonance,’ sa December 31 deadline na itinakda ng pangulo.

Una na ring sinabi ng BI na humingi na sila sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) ng listahan ng mga dayuhang nagtatrabaho sa POGO, na ang lisensiya ay suspendido na o hindi na na-renew.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with