^

Police Metro

Indian na lider ng terror group, tiklo sa BI

Mer Layson - Pang-masa
Indian na lider ng terror group, tiklo sa BI
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang naarestong dayuhan na si Joginder Geong, 41, ay naaresto ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI kamakalawa sa kanyang tahanan sa Brgy. Taculing, Bacolod City, Negros Occidental.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Indian-Nepalese national na itinutu­ring ng mga otoridad sa New Delhi bilang mataas na lider ng isang separatist terror group at wanted na kriminal sa India.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang naarestong dayuhan na si Joginder Geong, 41, ay naaresto ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI kamakalawa sa kanyang tahanan sa Brgy. Taculing, Bacolod City, Negros Occidental.

Sinasabing si Geong ay kilalang gumagamit ng iba’t ibang alyas kabilang na ang ‘Joginder Geyong’ at ‘Kanta Gupta.

 Sinabi pa ni Tansingco na pinaniniwalaang sangkot din si Geong sa Khalistani terror group na naglunsad ng armed separatist rebellion na ang layunin ay magtatag ng isang independiyenteng Sikh state sa Punjab province, India.  

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with