^

Police Metro

DOH nagdeklara ng ‘Code White Alert’ dahil sa bagyo at leptospirosis

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa mga pag-ulan at pagbaha na dulot ng bagyong Carina at ng habagat, gayundin sa ­inaasahang pagtaas ng mga kaso ng leptospirosis sa bansa ay nagdeklara na kahapon ang Department of Health (DOH) ng Code White Alert.

Sinabi ng DOH na kabilang sa mga isinailalim nila sa Code White Alert ay ang lahat ng kanilang Centers for Health Deve­lopment (regional offices) sa buong bansa, gayundin ang Ministry of Health in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MOH-BARMM).

Pinaalalahanan rin ng DOH ang publiko sa public health risk ng leptospirosis dahil sa mga pagbaha na maaaring kontaminado ng ihi ng daga o iba pang hayop.

Nagpaalala rin ang DOH na sakaling lumusong sa baha ang isang indibidwal ay mayroon namang mga antibio­tics na available upang maiwasang dapuan ng leptospirosis, gaya ng prophylaxis, ngunit kinakailangan anila nito ng preskripsiyon.

Kaugnay nito, iniulat ng DOH na hanggang nitong Morbidity Week 28 o ­Hulyo 13, 2024, nakapagtala na sila ng kabuuang 1,258 na kaso ng leptospirosis.

Maaari naman anilang tumaas pa ang naturang bilang dahil sa mga nahu­ling ulat, lalo na ngayong nararanasang mga pag-ulan at pagbaha dahil sa bagyong Carina at habagat.

vuukle comment

CARINA

LEPTOSPIROSIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with