^

Police Metro

Ina,3 anak natabunan ng lupa

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Ina,3 anak natabunan ng lupa
Sa paunang imbestigasyon ngpulisya, nangyari ang insidente, alas-9:00 ng gabi nitong Martes sa nasabing lugar at posibleng mahimbing na natutulog ang mga biktima nang maganap ang pagguho ng lupa dahil sa paglambot ng lupa dulot ng walang tigil na buhos ng ulan dala ng bagyong Carina at habagat.
PAGASA

MANILA, Philippines — Magkakasamang natabunan ang isang pamilya na may apat na miyembro na kinabibilangan ng ina na anim na buwang buntis matapos matabunan ng lupa ang kanilang bahay sa naganap na landslide sa Sitio Manalao Barangay Subic Ilaya,Agoncillo,Batangas,kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Agoncillo Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ang mga biktima na sina Denden Rimas, 28, anim buwang buntis; anak nitong sina Samantha, 9; Lyka, 15 at Aisa, 13.

Sa paunang imbestigasyon ngpulisya, nangyari ang insidente, alas-9:00 ng gabi nitong Martes sa nasabing lugar at posibleng mahimbing na natutulog ang mga biktima nang maganap ang pagguho ng lupa dahil sa paglambot ng lupa dulot ng walang tigil na buhos ng ulan dala ng bagyong Carina at habagat.

Narekober naman ang mga labi ng biktima at patuloy na pinalilikas ang mga residenteng nani­nirahan sa nasabing lugar.

Ayon naman kay ­Agoncillo Mayor Cinde­rella Reyes, bukod sa landslide incident sa Subic llaya, dalawa pang landslide ang naganap sa Barangay San Jacinto at Barangay Bagong Sicat na nag-ugat para hindi madaanan ang kalsada patungo sa nasabing mga barangay.

Nagsagawa na rin ng forced evacuation sa nasabing mga barangay sa pangambang magkaroon muli ng landslide at pagbaha. — Ed Amoroso, Arnell Ozaeta

 

vuukle comment

CARINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with