^

Police Metro

BOC pinadlak gas station, na may higit 56K litro ng unmarked fuel

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinadlak at sinelyuhan ng mga ahente ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) ang isang local refilling gas station sa Valenzuela City matapos na matuklasang tatlo sa mga tangke nito ang naglalaman ng mga unmarked fuel na nagkakahalaga ng P3.1 milyon.

Ayon kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bien Rubio, tatlo sa apat na tangke ng Roden Refilling Gas Station sa Ugong, Valenzuela City ang nabigo sa fuel mark test na isinagawa ng CIIS-MICP at Enforcement Group-Fuel Marking agents.

Ibinahagi naman ni BOC-CIIS Director Verne Enciso na ang unmarked fuel, o kawalan ng opisyal na fuel marker, ay indikasyon ng hindi pagbabayad ng kinakailangang duties and taxes.

Nabatid na ang mga fuel markers ay gina­gamit din na garantiya sa integridad ng produkto at proteksiyon laban sa counterfeiting at tax fraud. Sinabi naman ni Intelligence Group Deputy Commissioner Juvymax Uy na ang fuel tanks na may numerong isa hanggang tatlo at bumagsak sa isinagawang fuel mark testing, ay naglalaman ng 19,196 litro ng premium gasoline, 18,680 litro ng unleaded gasoline, at 19,098 litro ng blended diesel. Sa apat na tangkeng sinuri, ­tanging ang ikaapat na tangke lamang umano, na may lamang 4,000 litro ng blended diesel, ang pumasa sa fuel marking test. Kasunod naman ng failed marks sa inisyal na pagsusuri, ang mga fuel samples ay sasailalim sa confirmatory testing ng SGS Main Laboratory.

vuukle comment

FUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with