^

Police Metro

Binata, inutas ng nakaalitan sa paresan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 19-anyos na binata ang nasawi nang pagsasaksakin nang nakaalitang kustomer sa isang paresan kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Idineklarang dead on arrival sa Novaliches District Hospital ang biktimang si Reson Pajuelas Ultra, residente ng Brgy. Gulod, Novaliches ng nabanggit na lungsod.

Batay sa imbesigasyon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang krimen, ala-1:13 ng madaling araw sa isang  paresan sa kanto ng Quirino Highway at Forest Hill Drive  sa naturang barangay. Pumasok sa paresan ang biktima kasama ang kanyang lolong si Edgar Ultra na kapwa lasing upang kumain.

Makalipas ang isang minuto, dumating din ang mga hindi pa nakikilalang suspek. Ayon sa saksi nagkaroon ng mainitang pagtatalo hinggil sa kanilang inorder na pagkain  si Reson at mga suspek  na humantong  sa suntukan.

Kasunod nito, pinagtulungan nang bugbugin at saksakin ng dalawang suspek si Reson gamit ang isang gun­ting. Nang bumulagta ang biktima, mabilis na tumakas ang mga suspek patungong Gonzales at Sta. Barbara Sts.

Dinala naman agad ang biktima sa ospital, subalit binawian din ng buhay.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with