Labi ng 2 Pinoy seaman na namatay sa atake ng Houthi rebels dumating na
MANILA, Philippines — Dumating na kahapon sa bansa ang labi ng dalawang Pilipinong tripulante na nasawi sa pag-atake ng mga armadong Houthi rebels sa MV True Confidence.
Sinalubong ng kanilang mga mahal sa buhay kasama ang mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), ng kanilang manning agency at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang labi ng dalawang tripulante na lumapag kahapon ng alas-9:00 ng umaga sa Cargo area ng Philippine Airlines ang dalawang casket sakay ng PAL flight mula sa Dubai.
Matatandaang inatake ng mga Houthi ang bulk carrier MV True Confidence habang naglalayag ito sa Red Sea noong Marso 6, 2024.
Nagtulung-tulong ang DFA, DMW, kanilang manning agency at OWWA upang maproseso ang pagpapauwi ng mga labi ng dalawa na biktima ng karahasan ng mga Houthi.
- Latest