^

Police Metro

Pulis arestado sa higit P1.3 milyong shabu

Jorge Hallare, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto sa isang drug buy-bust operation ang isang pulis na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at nakumpiskahan ng mahigit P1.3 milyong pisong halaga ng shabu sa Brgy. Sibujo, Libmanan, Cama­rines Sur, kahapon ng madaling araw.

Ang suspek ay kinilalang si Police Cpl. Antonio Salamanque, 53-anyos, tubong Iriga City, Camarines Sur at residente ng Genova St., Brgy. Gulod, Quezon City.

Sa ulat, alas-2:51 ng madaling araw sa tulong ng Special Operations Unit 5, Regional Police Drug Enforcement Unit 5, Provincial Intelligence Unit at Libmanan Police ay magkatuwang na inilatag ng PNP-Integrity Monito­ring Enforcement Group at PNP-Drug Enforcement Group sa pangu­nguna ni Lt. Ronwaldo Cariño ang buy-bust operation laban kay Cpl. Salamanque na mabilis inaresto matapos iabot sa poseur buyer ang biniling droga.

Nakuha sa posisyon ng suspek ang walong plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 200 gramo at nagkakahalaga ng P1.36 milyong piso; isang Taurus Caliber 40 na side firearm; isang M16 Armalite Rifle; mga bala at magazine ng naturang mga baril; at ­boodle money na ginamit sa buy-bust.

Kumpiskado rin ang sasakyang ginamit sa iligal na transaksyon ng pulis na mahaharap sa patung-patong na kaso.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with