^

Police Metro

POGOs nag-o-operate malapit sa Edca sites - PAOCC

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — “May iilang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ang nag-o-operate malapit sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (Edca) sites.”

Ito ang kinumpirma ni Presidential Anti-Orga­nized Crime Commission (PAOCC) spokesperson John Casio na kanila nang iniimbestigahan ang mga pakay sa paglalagay ng POGOs sa lugar.

Ang Edca sites ay lugar ng US military troops sa bansa na nagsasagawa ng mga pagsasanay.

Iisa lamang umano ang kanilang nais na mangyari at ito ay maipatigil ang operasyon.

Binatikos din ni Casio ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) dahil sa kawalan nito ng monitoring sa kilos ng mga POGO.

Aniya, hindi lamang sa kanselasyon ng permit ng POGO natatapos ang trabaho ng PAGCOR.

Umaasa sila na agad na aaksiyunan ng PAGCOR at iba pang ahensiya ang isyu kasama ang Department of National Defense (DND).

Ito’y upang masiguro na walang scam farm ang nasa lokasyon malapit sa Edca sites.

Una nang nagpahayag ng pagkabahala si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa pagkakaroon ng POGO malapit sa military bases na dapat nang ipatigil ang operasyon nito.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with