^

Police Metro

Galing sa pakikipaglamay 3 senior citizens patay sa bangga

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang tatlong senior citizens habang sugatan ang dalawa pa nilang kasama matapos sumalpok ang kanilang sinasakyang kotse sa concrete barrier sa Luisiana, Laguna nitong Linggo.

Ang mga biktima na idineklarang  dead on arrival sa Luisiana District Hospital  ang isang 65-anyos na babae; 70-anyos na lalaki at ang driver nilang babae na  60-anyos dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Nasa kritikal naman na kondisyon sa ospital ang dalawa pang kasama sa sasakyan.

Sa ulat, naganap ang aksidente, alas-6:00 ng gabi sa national road na patungo sa Lucban, Quezon ay lulan ang mga biktima sa pulang Toyota Wigo (KLB 412).

Nabatid na pauwi na sa Rizal ang mga biktima mula sa pakikipaglamay sa isang kaanak sa Bicol nang mawala sa linya ng kalsada ang kotse at sumalpok sa isang concrete barrier.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang malaman kung ano ang dahilan ng aksidente gayung maganda naman ang panahon ng gabing iyon.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with