VP Sara, ‘di magbibitiw bilang bise presidente
MANILA, Philippines — “Wala akong planong magbitiw bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas.”
Ito ang tiniyak ni Vice President Sara Duterte dahil sa nananatili aniyang maayos ang estado ng kanilang relasyon ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Sa kabila nang pagkalas ng bise presidente sa puwesto bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at Vice Chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Tiniyak rin niya na sa ngayon ay nakatutok siya sa Office of the Vice President (OVP) at sa katunayan ay mayroon aniya silang nakahanay na 10 proyekto.
Aminado rin naman si Duterte na nalulungkot siya sa ginawang pagbibitiw sa DepEd dahil mahal aniya niya ang trabaho niya roon.
Gayunman, nagdesisyon umano siyang bumaba sa puwesto para na rin sa ikabubuti ng DepEd.
Ayon kay VP Sara, nang magtungo siya sa tanggapan ng pangulo sa Malacañang noong Hunyo 19 upang personal na iabot dito ang kanyang resignation letter ay naging maayos ang kanilang pag-uusap.
Maayos rin aniyang tinanggap ng pangulo ang kanyang pagbibitiw at maayos ring natapos ang kanilang pag-uusap.
- Latest