^

Police Metro

Pag-isnab ng LTFRB sa mga reklamo sa isang moto-taxi firm, kinastigo

Angie dela Cruz - Pang-masa
Pag-isnab ng LTFRB sa mga reklamo sa isang moto-taxi firm, kinastigo
Photo of a Move It rider in Bonifacio Global City, Taguig
Releasd / Move It

MANILA, Philippines — Kinastigo ng isang network ng digital advocates ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa umano ay patuloy na pag-isnab sa kanilang reklamo laban sa motorcycle taxi firm na Move It.

Ayon kay Digital Pinoys national campaigner Ro­nald Gustilo,pinababayaan lamang umano ng LTFRB ang mga paglabag ng Move It at hindi inaaksyunan ang kanilang reklamo laban dito.

Inihalimbawa ni Gustilo ang hindi pag-aksyon ng LTFRB sa kinasasangkutang insidente ng riders at pagkasugat ng pasahero nito sa isang aksidente sa Cebu City na nag-viral sa social media na kung saan ay namatay ang rider at pasahero.

Pinakahuling insidente ay ang pagpatintero ng rider ng Move it sa mga MMDA enforcer na huhuli sa kanya dahil sa pagpasok sa Edsa busway.

Ang patuloy na pag-isnab ng LTFRB sa kanilang mga reklamo na naiparating kay LTFRB Chairman Teo­filo Guadiz III na naging daan para atasan ni Committee on Transportation Chairperson Rep. Romeo Acop na aksyunan ng ahensiya ang hinaing ng mamamayan. Una nang nanawagan ang Digital Pinoys sa MC Taxi technical working group na pinamumunuan ng LTFRB na imbestigahan ang lax training procedure ng Move It.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with