^

Police Metro

Walang taas-pasahe sa PUVs – LTFRB

Angie dela Cruz - Pang-masa
Walang taas-pasahe sa PUVs � LTFRB
A man holds a placard as he joins a protest caravan to oppose the government’s jeepney modernisation plan, in Manila on April 15, 2024.
AFP / Jam Sta. Rosa

Dahil sa pagpapatupad ng PUVMP

MANILA, Philippines — Walang magaganap na pagtataas sa singil ng pasahe sa buong bansa lalo na sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagpapatupad sa Public Utility Vehicle (PUV) modernization program ng pamahalaan.

Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, walang basehan para maitaas ang pasahe sa mga pampasaherong sasakyan lalo pa’t wala

 namang nagsasampa ng fare hike petition para aksyunan ng LTFRB Board.

Aniya idinaraan din sa masusing pag-aaral at konsultasyon sa publiko  ang anumang petisyon sa taas-pasahe upang ma­ging katanggap-tanggap ito sa panig ng mga PUV operators at commuters.

Ang pahayag ay ginawa ng LTFRB sa agam-agam ng mga commuters na tataas ang pasahe sa mga pampasaherong sasakyan dahil sa modernisasyon ng mga  PUVs, pagtaas ng inflation at patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.

Gayunman, sinabi ni Guadiz na oras na may magsampa ng fare hike petition ay agad nila itong pag-aaralang mabuti para sa kapakanan ng mamamayan.

vuukle comment

PUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with