^

Police Metro

Substitution period ng kandidato sa 2025 elections, iniklian na

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Mas maikling panahon na lang ang pahihintulutan ng Commission on Elections (Comelec) sa pagwi-withdraw ng Certificate of Candidacy, at ang paghahain ng mga kapalit na kandidato para sa halalan  2025.

Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa ginanap na  Voter Education and Registration Fair briefing sa Guimaras State University nitong Biyernes na paraan ito upang maiwasan ng political groups na magsamantala at lokohin ang mga tao kung sino ang kanilang tunay na kandidato.

Maaari lamang aniya, na payagan ang substitution paglagpas ng Oktubre 8 kung namatay ang naghain ng COC o diskuwalipikadong tumakbo.

“Siguro mula October 1 to 8, ‘yan ‘yung filing ng candidacy, papayagan naming mag-withdraw ka, pwede ka pang palitan. Pero after ng 8, wala nang palitan ng candidacy. ‘Wag na nating pinagbobola sambayanan. Dapat kung sino ang kakandidato, harap-harapan na. I-file n’yo na ‘yung candidacy n’yo, ‘wag na ‘yung kunwari naka-front ka sa ganyan, ‘yun pala ikaw ang kakandidato. After 8 baka hindi na natin payagan ang substitution…in the case of withdrawal pero pwede ang substitution , in case of death or disqualification,”ani Garcia.

Hanggang Oktubre 8 lamang ang tini­tingnan ng Comelec para sa isang aspirant na maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) bilang substitute candidate.

Noong 2022 elections, nakapagtala ang Comelec ng 10 substitute candidate at 15 ang nag-withdraw ng COC sa pagitan ng Oktubre 9 hanggang Nobyembre 15.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with