^

Police Metro

P2k monthly allowance ng seniors sa Manila, matatanggap na ngayong Mayo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna na kabuuang P2,000 monthly allowance ang matatanggap na ng mga senior citizens sa lungsod ngayong buwan ng Mayo.

“Ito po ang ating maliit na paraan para pasalamatan at ipadama ang pagmamahal sa ating mga magulang, lolo at lola sa city of Manila,” ani Lacuna sa isinagawang advanced birthday celebration niya para sa Mayo 6, kasama ang nasa 284 senior citizen na  may karaawan mula sa anim na Distrito ng lungsod, sa mass celebration na ginanap sa San Andres Complex.

Ang 284 ay bahagi ng 600 senior citizen sa Maynila na Mayo 1 ang kaarawan, habang ang iba pa ay hindi na kayang magbiyahe dahil sa katandaan.

Sa susunod na taon, ani  Lacuna, ay isa na rin siyang senior citizen.

“Sa ngayon, sine-celebrate ko na rin as 60. Gusto ko ipaaala sa sarili ko na next year, senior citizen na rin ako at tropa ko na rin kayo.  Meron na rin akong OSCA card,” ani Lacuna.

Noong nakalipas na taon, ang senior citizens na “May 6 celebrators” ang kasama ni Lacuna sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan, na sinundo at inihatid ng mga bus sa kanilang bahay matapos bigyan ng mga gamot, cakes, at iba pang regalo mula sa alkalde,

vuukle comment

MAYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with