^

Police Metro

Tangkang pagpuslit ng P37 milyong marijuana mula sa Thailand, nasabat

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasabat ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) ang tangkang pagpupuslit ng may P37 mil­yong halaga ng marijuana o dried kush sa Manila Port, nabatid kahapon.

Ito’y matapos ang isinagawang physical examination at x-ray scanning noong Biyernes, na nag­resulta sa pagkakadiskubre ng mga ilegal na droga na itinago sa loob ng isang container.

Pinuri ni Customs Commissioner Bien Rubio ang operasyon at sinabing ang 100% physical examination at small baggage x-ray scanning ng shipment ay nakitaan ng anim na kahon na naglalaman ng 30,952 gramo o 30.952 kilogramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana o kush na may total estimated value na P37,142,400 milyon. Nabatid na hiniling ng CIIS-MICP ang 100% physical examination ng shipment matapos ang profiling at pagkatanggap ng derogatory information na nagsasaad na may mga balikbayan boxes ang naglalaman ng ilegal na droga mula sa Thailand.

Ayon kay CIIS Director Verne Enciso, ang anim na kahon ay naglalaman ng marijuana na may iba’t ibang timbang matapos na suriin sa Designated Examination Area (DEA) ng MICP.

Sinabi naman ni Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy na nagpapatuloy ang marking ng mga nakumpiskang kontrabando sa naturang lugar.

MANILA PORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with