^

Police Metro

3 pulis sangkot sa pagnanakaw sa bahay ng Indonesian

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinaguriang persons of interests ang tatlong pulis kaugnay ng umano’y robbery heist sa bahay ng isang Indonesian national sa Kawit, Cavite, noong Pebrero 13.

Ayon kay Lt. Col. Richard Corpuz, hepe ng Kawit police, na isang special investigation task group ang binuo para hawakan ang imbestigasyon at ang kaso ay nasa regional level na.

Tumanggi si Corpuz na ibunyag ang mahahalagang detalye kabilang ang pagkaka­kilanlan ng tatlong pulis na umano’y sangkot sa robbery heist.

Ayon sa mga mapagkakatiwalaang source, tatlong pulis umano ang kabilang sa pitong armadong lalaki na nanloob sa bahay ng isang Indonesian na si Fendy Apriyanto, 29, supervisor ng POGO, sa Barangay Magdalo-Potol, Kawit, Cavite, noong Feb .13 ng hapon.

Sinabi ng source, pagkatapos ng back-tracking investigation na isinagawa ng mga imbestigador sa tulong ng mga nakuhang video footage ng close-circuit television camera na natukoy ng mga imbestigador ang get-away car na ginamit ng mga salarin sa panahon ng pagnanakaw at ang pangalan ng rehistradong may-ari ng sasakyan, na nagresulta sa breakthrough ng kaso.

Nabatid na isa sa tatlong pulis umano ang humiram ng get-away vehicle sa may-ari ng sasakyan.

Sinibak sa puwesto ang tatlong pulis habang ang isa sa kanila ay nasa kustodiya ng pulisya sa Regional Police headquarter sa Camp Vicente Lim, Laguna. kanyang mga mahahalagang gamit at pera, sa Brgy. Magdalo-Potol, bayan ng Kawit, Cavite.

vuukle comment

ROBERRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with