ICC kinontak na ang dating tauhan ni FPRRD
MANILA, Philippines — Kinontak na ng International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas na kung saan ay nakipag-ugnayan na sa dating tauhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si SPO4 Arturo Lascanas.
Sa zoom interview ng mga justice reporters kay Lascanas, malaki ang posibilidad na gawin siyang pangunahing testigo ng ICC sa anumang kasong ihahain laban sa dating administrasyon.
Sinabi pa ni Lascanas na inilahad niya ang lahat ng mga impormasyon na nalalaman niya kaugnay ng madugong “war on drugs” ng nakaraang rehimen.
Bahagi ng testimonya na ibinigay ni Lascanas sa ICC ang pag-amin na orihinal siyang miyembro ng Davao Death Squad (DDS) na sangkot umano sa mga pagpaslang sa siyudad mula pa noong 1988, hanggang sa kumalas siya sa grupo noong Disyembre 2016.
Inulit din niya ang dati na niyang sinabi noon na nautusan sila na paslangin ang broadcaster na si Jun Pala.
Muling sinabi ni Lascanas na katulad ng kanyang testimonya noong 2017 sa Senado humihingi siya ng tawad sa mga pamilya ng kanilang mga biktima at sa taong bayan at ipinagdarasal din niya sa Diyos ang kanyang kapatawaran.
- Latest