DND nagsasagawa ng hakbang kontra pag-espiya sa AFP
MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang pagtigil ng outsourcing ng mga manpower services tulad ng janitorial staff sa kagawaran.
Sa kanyang pahayag sa Manila Overseas Press Club Defense Night, pinaliwanag ng kalihim na ang mga trabahador na mula sa mga manpower agency tulad ng mga janitor, na hindi “properly motivated” ay potensyal na target para sa pang-eespiya.
Iginiit ng kalihim na mahalaga sa pag-outsource ng mga serbisyo na kumomporme ang mga service provider sa operational security ng DND at AFP.
Kaya maging aniya ang mga regular na contractor ng kagawaran at militar ay ipinasailalim niya sa mahigpit na vetting.
Sa kasalukuyan anya ay patuloy ang full security review sa DND at AFP mula sa itaas hanggang sa ibaba.
- Latest