China ‘di pa nagbabayad ng P60 milyon sa ninakaw na mga armas - AFP
MANILA, Philippines — Magpahanggang ngayon mahigit apat na buwan na ang nakakalipas ay hindi pa binabayaran ng China ang P60 milyon na kabuuang danyos sa pamiminsala sa ilang vessels, mga kagamitan ng Philippine Navy at pagnanakaw ng armas noong Hunyo 17 sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea. (WPS).
“Wala pang response yung China but kasama po ito dun sa usapin ng DFA (Department of Foreign Affairs) natin at yung mga counterparts natin ano, nila. Nagbigay tayo ng sulat sa DFA ng sa gayun maisama nila dun sa mga demands natin ito,” pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr.
Noong Hunyo 17, armado ng mga itak, pana at iba pang patalim ay hinarang ng Chinese Coast Guard (CCG) ang inflatable boats ng Philippine Navy at pinagwawasak ito gayundin ang mga radio equipment matapos namang banggain ang vessels ng bansa at tinangay rin ng mga ito ang mga rifles ng Navy na nakalagay sa mga casing.
Ang insidente ay ikinasugat ng 8 Navy personnel kabilang ang isang naputulan ng daliri hindi pa kasama ang gastusin ng sundalo sa pinababayaran nilang danyos perwisyos sa China.
- Latest