Binata todas sa sunog, bangkay na nakaburol, nadamay
MANILA, Philippines — Isang 49-anyos na bangkay ng lalaking nakaburol ang mistulang na-cremate habang isang 20-anyos na binata ang nasawi sa naganap na sunog sa isang residential area, sa Pasay City, kahapon ng tanghali.
Sa inisyal na ulat, nasa 25 kabahayan ang natupok sa Cuyegkeng St., Barangay 1, Zone 1, Pasay City na nagmula umano sa ikalawang palapag ng isang bahay at dito ay isang nakaburol na patay ang hindi na nailabas.
Samantala, isang sunog na bangkay ang natagpuan sa lugar na inilarawan na isang 20-anyos na lalaki na isang dishwasher na sa sobrang himbing ng tulog ay hindi na rin nakalabas ng bahay.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Pasay, alas-11:54 ng tanghali nang umakyat sa second alarm, ala-1:00 ng hapon, ideklarang under control at tuluyang naapula alas-3:14 ng hapon o apat na oras na nagtagal.
Ayon sa kamag-anak ng nakaburol na sila ay nag-panic kaya’t hindi nila nailabas ang bangkay hanggang sa tuluyan itong nilamon ng apoy.
- Latest