Wala nang extension sa SIM card registration
Pagkatapos ng July 25 deadline…
MANILA, Philippines — Wala nang mangyayaring isa pang extension sa SIM card registration makaraan ang July 25 deadline para dito.
Ito ang sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Assistant Secretary for Cybersecurity Jeffrey Ian Dy na hindi na sila makapagbibigay ng panibagong extension dahil ito ang itinatakda ng batas.
Ani Dy, pagsapit ng July 26 ay mapuputol na ang mga koneksyon ng mga SIM card subscribers na hindi pa rehistrado na sa kasalukuyan ay pumalo na sa 100.2 milyong SIM cards ang nairehistro sa bansa.
Idinagdag pa ni Dy, bagama’t katumbas lamang ito ng 60% ng total SIM cards na nabili ay maituturing na rin itong malaking accomplishment.
Una nang nagtakda ang DICT na April 26, 2023 deadline ng SIM card registration pero dahil sa mga apela ay ginawa itong July 25, 2023 upang bigyan pa ng sapat na panahon ang mga subscribers nationwide na maiparehistro ang kanilang SIM card.
- Latest