^

Police Metro

Ayala Alabang shabu lab: P136 milyong droga nasamsam

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Ayala Alabang shabu lab: P136 milyong droga nasamsam
Sinusuri ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga pinaghihinalaang shabu na umaabot sa 20 kilos na nagkakahalaga ng P136 milyon na nakumpiska sa loob ng isang bahay na matatagpuan sa isang executive village sa Alabang, Muntinlupa City na kung saan dalawang suspek ang naaresto.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Dalawang negos­yante­­ ang naaresto ng mga oto­­ridad at nasamsam sa kanila ang nasa P136 mil­yong halaga ng shabu nang sa­lakayin ang isa umanong laboratory sa Ayala-Alabang Village, Muntinlupa City, kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ang mga na­­aresto na sina Aurelien Cy­there, 41, ng No. 304 Ma­bolo St., Ayala-Alabang Village, Muntinlupa City at Mark Anthony Sarayot, 42, nakatira sa 23 Cabbage St., Valley 5, Brgy. Ugong, Pasig City.

Ayon kay PDEA Assistant Secretary Gregorio Pimentel, alas-12:30 ng madaling araw nang isagawa ang operasyon sa tahanan ni Cythere.

Lumalabas na nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad na gina­wang pagawaan ng shabu ang kanyang bahay ka­ya’t agad na ikinasa ang pagsalakay.

Nakumpiska ang 20 kilo ng shabu na nagkakaha­laga ng P136 milyon iba’t’ ibang kagamitan sa paggawa ng shabu, mga identification card, 3 cellphone at financial documents.

Ang dalawa ay naka­kulong na at kinasuhan ng paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous­ Drug Act of 2002.

PDEA

SHABU LAB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with