^

Police Metro

DA: Pinas mag-aangkat ng asin

Angie dela Cruz - Pang-masa
DA: Pinas mag-aangkat ng asin
Inaayos ni Jun Mancilla, 52, isang salt storage worker ang kanilang produktong asin na nakaimbak sa isang bodega sa Barangay Sta. Isabel, Kawit, ­Cavite matapos payagan ang presyo nito sa mercado.
STAR/Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Habang nahaharap ang bansa sa maraming usapin na may kinalaman sa suplay at lokal na produksyon ay nakatakdang mag-angkat ang Pilipinas ng asin.

“Ang asin talagang nag-i-import tayo diyan. We have P100 million to start for this season. And we hope and anticipate that we should be able to do something about it,” ayon kay Department of Agriculture (DA) Undersecretary Domingo Panga­niban.

Nauna rito, sinabi ni Panganiban na ang kakula­ngan sa asin sa bansa ay bunsod ng kapabayaan sa industriya sa nakalipas­ na taon kabilang na ang Bureau of Fisheries and Aqua­tic Resources (BFAR).

Aniya, hanggang sa nga­yon ay hindi pa rin nagagamit ng BFAR ang P100 mil­yong pisong budget para sa 2021 para palakasin ang  salt production sa bansa.

Buwan ng Agosto, sinabi ng BFAR na naglaan ito ng P100 milyong halaga ng pondo para palakasin ang salt production sa bansa para sa taong 2022.

Bunsod nito, nangako ang Malacañang na pala­lakasin ang produksyon ng asin sa bansa para punan ang malaking panganga­ilangan ng mamamayan.

ASIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with