Marcos Jr., dadalo sa APEC Summit sa Nobyembre
MANILA, Philippines — Dadalo si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa face-to-face Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Thailand mula Nobyembre 18 hanggang 19.
Ipinaabot ni Thai Chargé d’ Affaires Thawat Sumitmor sa APEC Summit ang imbitasyon ng Thailand nang mag-courtesy call kay Marcos noong Lunes ang mga ambassador ng Association of Southeast Asian Nations (Asean).
“Marcos was personally invited by Thai Chargé d’ Affaires Thawat Sumitmor to the APEC Summit, in his capacity as representative of Thailand which is the current APEC Chair,” sabi ng kampo ni Marcos.
Magho-host ang Thailand ng APEC Summit ngayong taon na may layuning tumuon sa kahalagahan ng pagpapadali sa pagpapatuloy ng ligtas at maginhawang paglalakbay sa iba’t ibang hangganan upang mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya ng rehiyon mula sa pandemya ng COVID-19.
- Latest