Agosto 30 idineklara ni PRRD na National Press Freedom Day
MANILA, Philippines — Idineklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Agosto 30 ng bawat taon bilang National Press Freedom Day.
Ito’y matapos na pirmahan ni Pangulong Duterte ang Republic Act No. 11699 noong Abril 13, pero inilabas sa media kahapon.
Ang Agosto 30 ng bawat taon ay idedeklarang National Press Freedom Day bilang pagpaparangal na rin kay Marcelo H. Del Pilar, na kinikilalang ama ng Philippine Journalism.Ang nasabing araw ay isang working day.
Upang matiyak na magiging makabuluhan ang paggunita sa nasabing araw, inaatasan ang lahat ng ahensiya ng gobyerno, militar, pulisya, mga local government units at maging ang pribadong sektor na maglaan ng sapat na oras at oportunidad upang makasali ang kanilang mga empleyado sa mga gagawing aktibidad sa loob ng kanilang mga tanggapan.
Nakasaad din sa bagong batas na ang Department of Education, Commission on Higher Education at ang Technical Education and Skills Development Authority ay magkakaroon ng konsultasyon sa Office of the President at public at private media organizations upang pangunahan ang mga aktibidad na magpapakita nang kahalagahan ng mga mamahayag, kanilang karapatan at mga responsibilidad.
- Latest