Biyahe ng mananakay, bibilis at ligtas sa PASADA
MANILA, Philippines — Magiging ligtas at mapapawi na ang takot ng mga commuters sa adhikain ng Pilipino Society and Development Advocates (PASADA) sakaling makaupo sa Kongreso sa Mayo 9.
Sa ginanap na launching ng PASADA, sinabi ni Dom Hernandez, Secretary General ng grupo, tatlong aspeto lamang kanilang isusulong at kinabibilangan ito ng pagsasalegal ng mga kolorum dahil malaki ang kakulangan sa mga pampublikong sasakyan at sa dami ng mga mananakay; pagpapatupad ng intermodal terminal upang matiyak na may masasakyan pa ang mga commuter sa pag-uwi at pagbibigay ng kahalagahan sa mga transport workers sa pamamagitan ng pagpapaigting ng slogan na ‘Sama-Sama sa Pasada’ na adhikain ng grupo.
Anya nangangalap din sila ng 150,000 signature mula sa mga commuters at iba pang sektor upang matulungang maresolba ang mga kinahaharap na problema ng mga commuters araw-araw.
Ipinakilala rin ang PASADA Babes na isang All Female Commute Dance Crew na naghahayag ng kanilang karanasan sa pagbibiyahe sa pamamagitan ng pagkanta at pagsasayaw. Ayon kina Shante, Jai, Shin, Kim at Mary bagama’t malaking problema sa kanila ang kakulangan ng masasakyan idinadaan na lamang nila ito sa paggawa ng kanta at pagsasayaw dahil may mas malaking problema pang naka-abang sa bansa at ito ay ang pandemyang dulot ng COVID 19.
- Latest