Sen. Go sa publiko: Ireport ang anomalya sa medical supplies
MANILA, Philippines — “Kung may alam po kayo na mga abusadong mga indibidwal sa gobyerno man o sa pribadong sektor, huwag po kayong matakot magsumbong sa amin ni Pangulo, ako po mismo ang magbubulong ng inyong hinaing kay Pangulong Duterte at sisiguruhin natin na mapoprotektahan po kayo basta magsasabi lang kayo ng totoo”.
Ito ang paghihikayat sa publiko ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go kung may matutuklasang korapsyon sa kanilang mga lugar matapos ang pagdinig kamakailan sa Senado ng committee on health partikular sa pagbili at pagbebenta ng mga medical supplies at equipment sa gitna ng pandemya na COVID-19.
Anya, hindi papayagan ng administrasyong Duterte ang anumang iregularidad lalo na sa pagbili at pagbebenta ng mga medical equipment at supplies.
Nanawagan din siya na siguruhin ng lahat ng ahensya na sangkot sa pagbili ng mga medical equipment na dumaan ito sa tamang proseso at walang nasayang kahit isang sentimo.
- Latest