^

Police Metro

Philstar Media Group inilunsad ang ‘Tala para sa Kapwa’ fundraising project

Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa gitna ng patuloy na paglala ng krisis na kinahaharap ng bansa laban sa coronavirus disease 2019 o COVID-19, tumutugon sa napakalaking tungkulin at sakripisyo ang ating mga health workers at iba pang frontline workers upang pagtagumpayan ang pandemya kung saan nakataya ang ating kinabukasan. 

Bilang pakikiisa, ang buong PhilStar Media Group (PMG) sa pakiki­pagtulungan ng “Operation Damayan” ay naglunsad ng isang fundraising at information drive. Ang “Tala para sa Kapwa” ay naglalayon na makakalap ng pondo upang makatulong, magbahagi ng ilan sa mga pangunahing panga­gailangan ng mga frontliners tulad ng pagkain at mga Personal Protective Equipment (PPE).

Layunin din ng programang ito na magpaabot ng kaunting tulong sa mga pamilyang lubos na naapektuhan dahil sa ipinatupad na Luzon-wide lockdown. 

Ang buong pamunuan ng PhilStar Media Group ay nananawagan ng tulong, pinansyal o anumang anyo, upang mabilisang maihatid ang tulong na ito sa ating mga kababayan. 

Noong nakaraang linggo lamang ay naghatid ang PMG ng tulong sa Maynila at Quezon City gamit ang tulong pina­nsyal galing sa mga donors, ang Ayala Corporation, Metrobank Foundation, Roberto Coyiuto, pamilya ni Inigo Zobel at Anthony Trillo.

Dagdag pa sa pamamahagi ng relief goods, papalawakin rin ng PhilStar Media Group ang pagpapakalat ng tama at makatutulong na mga impormasyon upang labanan ang COVID-19 sa pamamagitan ng video explainers, native articles, social media posts, at COVID Watch Page print special.

Ang Philstar Media Group ay binubuo ng The Philippine STAR, Pilipino Star NGAYON, Pang-Masa, The Freeman, Banat at BusinessWorld pati na ang kanilang mga websites at social media accounts. 

Lubos kaming nagpapasalamat sa ating mga health workers at iba pang frontline workers sa pag-aalay ng inyong mga buhay para sa labang ito. 

Sa ating kooperasyon at tulong, sama-sama nating ibabangon ang bansa nang may lakas upang harapin ang dara­ting pang hamon ng kinabukasan.

Maaari kayong magbigay ng tulong pinansyal gamit ang account na ito: 

PhilStar Daily Inc. / Operation Damayan Metrobank Savings Account No.: 151-7-15152422-9.

TALA PARA SA KAPWA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with