^

Police Metro

Netizens binalaan ng pnp sa fake news

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mahaharap sa kasong kriminal kaugnay ng paglabag sa anti-cybercrime law ang sinumang netizen na napatunayang nagpoposte ng mga pekeng storya o fake news sa social media.

Ito ang naging babala kahapon ni Philippine National Police (PNP) Spokesman Police Brig.Gen. Bernard Banac sa gitna na rin ng nililikhang takot ng mga online viral videos hinggil sa umano’y pagdukot sa mga bata at tinedyer ng puting van kung saan kinukuha ang internal organs ng mga ito at ang mga biktima ay pinapasakan ng P10,000 ang winakwak nilang tiyan para umano sa burol.

 “We also admonish authors of “fake news” circulating in social media platforms of a series of purported abductions by suspects on board a white van,”  ani Banac.

Sa resulta ng Cyber Patrolling at Open Source Investigation ng PNP-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ay walang nangya­ring pangingidnap gamit ang puting van at wala ring napapaulat na pangingidnap na ipinabla-blotter sa police stations.

Inihayag ni Banac na  simula 2016 ang lahat ng mga napaulat na umano’y mga kaso ng kidnapping gamit ang mga puting van ay pawang peke o walang katotohanan base na rin sa report ng PNP-ACG.

NETIZENS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with