‘Ending’ ‘wag pakialaman – Digong
MANILA, Philippines — Tahasang sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) na huwag nang pakialaman ang sugal na ‘ending’.
Sa talumpati ng Pangulo sa ika-118th Police Service Anniversary Celebration, sa Camp Crame, Quezon City kamakalawa, natalakay ng Pangulo ang iba’t-ibang uri ng sugal kabilang ang ending na hindi na aniya dapat pakialaman pa ng PNP.
“So there’s the casino. In my place in Davao City, there was one or there is one and itong sabong. Ito namang mga last two, last two, huwag na ninyong pakialaman yan,” sabi ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na kalimitang laro lamang ng mga magkakapitbahay ang ending.
“It’s a neighborhood activity. Tapos ‘pag hulihin pa ninyo,” sabi ni Duterte.
Sinabihan pa ng Pangulo ang pulisya na pumatay na lamang ng mga durugista at huwag pagdiskitahan ang ending maliban na lamang kung pinapatakbo na ito ng sindikato.
“Magpatay na lang kayo ng durugista diyan…Huwag lang pumasok ang sindikato. ‘Pag ang ending hawakan with people who are known to be gamblers and professional manipulators, you have to intervene,” ani Duterte.
- Latest