^

Police Metro

Aegis Juris fratman sa Atio Castillo case, guilty sa obstruction of justice

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Aegis Juris fratman sa Atio Castillo case, guilty sa obstruction of justice
Sa desisyon ni MTC Judge Carolina Esguerra, ang sentensiya kay Solano ay dahil sa pagbibigay nito ng affidavits kung paano dinala si Castillo sa Chinese General Hospital matapos ang initiation rites.
The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Apat na taon na pagkakulong ang iginawad na hatol ng Manila Metropolitan Trial Court Branch 14 kay John Paul Solano, miyembro ng  Aegis Juris Fraternity dahil sa obstruction of justice sa pagkakamatay sa hazing ng University of Santo Tomas freshman law student na si  Horacio “Atio” Castillo III.

Sa desisyon ni MTC Judge Carolina Esguerra, ang sentensiya kay Solano ay dahil sa pagbibigay nito ng affidavits kung paano dinala si  Castillo sa Chinese General Hospital matapos ang initiation rites.

Sa unang affidavit ni Solano sa Manila Police District (MPD) noong September 17, 2017, sinabi nitong hindi niya kilala si Castillo at natagpuan lamang niya itong nakabulagta sa kalsada kaya’t dinala niya sa ospital.

Taliwas naman ang naging pahayag ni Solano sa kanyang ikalawang affidavit sa pagsasabing pinakiusapan siya ng kanyang mga kasamahan sa fraternity na dalhin na ospital si Castillo matapos na mag-collapse matapos isagawa ang initiation rites sa library ng Aegis Jury Fraternity noong Setyembre 17, 2017.

Gayunman, nakakalaya pa rin si Solano dahil nakapag-post ito ng bail. Habang ang ibang miyembro ng fraternity ay nahaharap sa kasong homicide at paglabag sa Anti-Hazing Law.

JOHN PAUL SOLANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with