Uploader ng ‘Bikoy’ video timbog sa NBI
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng National Bureu of Investigation (NBI) ang lalaking nag-upload ng mga sunud-sunod na video na nag-aakusa sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumita ng milyones mula sa droga.
Ang Youtube clips na may pamagat na ang “Totoong Narco-list” na dito ay nagsasalita ang isang alyas Bikoy na nagsabi na ang drug mo-ney ay ipinadala sa mga bank account ng anak ni Pangulong Duterte na si dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, manugang na si Atty. Manases Carpio at dating aide na si Christopher “Bong” Go.
Kinumpirma ni Atty. Charito Zamora, officer-in-charge ng DOJ department’s Office of Cybercrime na inaresto ang lalaking nag-upload na kinilalang si Rodel Jayme sa kasong “cyber libel.”
Pinabulaanan din ng opisyal ang ulat sa isang pahayagan na naaresto na si ‘Bikoy’ ang lalaking naka-hood na makikita sa video na nagsabing hawak niya ang financial records ng drug syndicate na umano ay nakikipag-deal sa pamilya Duterte.
- Latest