^

Police Metro

6 tulak todas sa drug bust

Joy Cantos, Raymund Catindig - Pang-masa
6 tulak todas sa drug bust
Sa lalawigan ng Laguna, napatay kahapon ng ala-1:00 ng madaling araw ang drug pusher na si alyas Noli nang kumasa ito sa mga operatiba ng pulisya sa Brgy. Timugan, Los Baños na kung saan ay nakumpiska ang baril nito, motorsiklo at isang sachet ng shabu.
File

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang anim na mga pinaghihinalaang notoryus na drug pushers sa magkakahiwalay na buy bust operation sa lalawigan ng Laguna at Isabela kamakalawa ng gabi at kahapon ng mada­ling araw.

Sa lalawigan ng Laguna, napatay kahapon ng ala-1:00 ng madaling araw ang drug pusher na si alyas Noli nang kumasa ito sa mga operatiba ng pulisya sa Brgy. Timugan, Los Baños na kung saan ay nakumpiska ang baril nito, motorsiklo at isang sachet ng shabu.

Sa magkakahiwalay na buy bust operation naman sa San Pablo City ay napatay dakong alas-9:45 ng gabi at alas-11:45 ng gabi ang mga drug pushers na sina Leo­nardo Perez at Harry Kris Landicho sa Brgy. II-B at Brgy. San Francisco na kung saan ay nakumpiska rin sa ­operasyon ang ilang sachet ng shabu at isang cal. 45 pistol.

Dakong alas-11:00 naman ng gabi sa isang drug operation sa Brgy. Yucos, Nagcarlan, Laguna ay napatay nang manlaban umano ang drug suspect na tinukoy sa alyas na Irilo .

Isa ring drug pusher na tinukoy sa alyas Toothpick ang sumunod na napaslang matapos na kumasa sa mga operatiba matapos na humantong sa shootout ang buy bust operation sa Brgy. Canlalay, Biñan City.

Sa Isabela ay napatay ng mga otoridad ang drug pusher na si Gilver Guillermo, nasa hustong gulang matapos na manlaban sa buy bust ­operation sa Cauayan City, kamakalawa.

Nabatid na si Guil­lermo ay sangkot sa serye ng nakawan sa lalawigan at miyembro ng Akyat Bahay gang.

Narekober ang isang plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana, cal. 45 pistol at mga basyo ng bala ng nasabing armas at cal 9 MM.

vuukle comment

DRUG PUSHERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with