^

Police Metro

60 nalo sa barangay elections nasa PDEA drug list

Mer Layson - Pang-masa
60 nalo sa barangay elections nasa PDEA drug list
Sinabi ni PDEA Director Aaron Aquino, 36 ang barangay chairman at 24 na kagawad, na sinasabing sangkot sa pagpapakalat ng droga sa bansa ang nakatakdang kasuhan sa susunod na mga araw.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nasa 60 nanalong opisyal sa ba­rangay nitong kakatapos na halalan ang iniulat kahapon ng pamunuan Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  na  kabilang sa 207 na narco-list.

Sinabi ni PDEA Director Aaron Aquino, 36 ang barangay chairman at  24 na kagawad, na sinasabing sangkot sa pagpapakalat ng droga sa bansa ang nakatakdang kasuhan sa susunod na mga araw.

Inihayag ni Aquino na naging matagumpay naman sa kanyang palagay ang paglalantad nila ng listahan laban sa mga opis­yal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) na sangkot sa droga dahil kung hindi umano nila ginawa iyon ay posibleng mas marami ang muling nakabalik sa kanilang puwesto.

Tiniyak ng PDEA chief na hindi lamang ang mga nanalong kandidato ang hahabulin nila para kasuhan, kundi maging ang mga natalong kandidato sa pagka-barangay chairman at kagawad na una nang pinangalanan na nasa drug-list.

AARON AQUINO

NARCO

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with