^

Police Metro

PNP gagamitin ang subpoena power laban kina Kerwin atbp

Joy Cantos - Pang-masa
PNP gagamitin ang subpoena power laban kina Kerwin atbp
Ito ang susunod na hakbang na gagawin ni PNP–CIDG Chief P/ Director Roel Obusan kapag nadismis ng binuong panibagong panel sa Department of Justice (DOJ) ang kanilang motion for reconsideration.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nakatakdang gamitin ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang subpoena power sa paghahanap ng karagdagang matitibay na mga ebidensya at testimonya upang mapanagot sa batas ang mga drug lord na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim at Peter Co.

Ito ang susunod na hakbang na gagawin ni PNP–CIDG Chief P/ Director  Roel Obusan kapag nadismis ng binuong panibagong panel sa Department of Justice (DOJ) ang kanilang motion for reconsideration.

Una nang dinismis ng prosecution panel ng DOJ ang kaso laban sa nabanggit na mga akusado alinsunod sa “corpus delicti” o kakulangan ng mga ebidensya .

Binigyang diin ni Obusan na kailangan nilang gamitin ang subpoena power upang manaig ang hustisya  lalo na sa mga high profile cases laban sa tatlong drug lords na nasa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte at kumpiyansa ito na muling gugulong ang hustisya at hindi niya nakikitang madidismis ang kaso matapos naman silang maghain ng motion for reconsideration.

Kaugnay nito hindi naman mangingimi ang CIDG na kasuhan ang mga state prosecutors na nagbasura sa kaso nina Kerwin, Co at Lim kapag may ebidensya na naimpluwensyahan ang mga ito ng drug money.

KERWIN ESPINOSA

PETER LIM

ROEL OBUSAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with