P7.5-M ecstasy nasabat sa Manila Post Office
MANILA, Philippines – Umaabot sa P7.5 milyon ang nasabat na ecstasy ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Manila Central Post Office sa isinagawang operation.
Nasa 5,000 piraso ng ecstasy mula Netherlands at amphetamine na nakalagay sa tatlong package ang nakumpiska ng mga otoridad na ang isa ay nakapangalan kay “Don Arnold” at ang dalawa kay “Martin Domingo”. Ayon kay Deputy Commissioner BOC Arnel Alcaraz, kadalasang umoorder online ang mga drug syndicate gamit ang fake identity at ‘bitcoints’ bilang pambayad. Ang Bitcoin ay isang open source software na binuo noong 2009 na may nakalagay na hanay na mga panuntunan kung papano pinoproseso ang isang transaksyon. Naging popular ito bilang isang peer-to-peer payment system para sa online shopping dahil mas mura at ligtas para sa mamimili at mangangalakal.
Patuloy na magsasagawa ang BOC ng malalim na pagsisiyasat upang matukoy and sinumang indibidwal na sangkot.
- Latest