DepEd all systems go na sa balik eskwela
MANILA, Philippines – All systems go!
Handang -handa na ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa pagbubukas ng klase sa bansa na dadagsain ng milyun-milyong estudyante bukas (Hunyo 13).
Kasabay nito, tiniyak ni DepEd Secretary Armin Luistro na magiging maayos ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan partikular na ang full implementation ng Senior High School (SHS).
Si Luistro ay mag-iikot sa mga pampublikong paaralan upang personal na makita at magabayan ang maayos na pagbubukas ng klase.
Unang bibisitahin ni Luistro ang Commonwealth High School, na matatagpuan sa Ecols St., Barangay Commonwealth Quezon City. Samantalang makakasama naman ni Luistro sa pagbisita sa mga paaralan dakong alas-11 ng umaga bukas si incoming DepEd Secretary Dr. Leonor Briones.
Inaasahan namang magiging makasaysayan ang pagbubukas ng School Year 2016-2017 dahil ito ang simula nang pagpasok sa paaralan ng mga Grade 11 students sa bansa. Ang SHS ay bahagi ng K to 12 program ng DepEd, na pinasimulan ni Luistro, at nais namang ipagpatuloy ni Briones.
- Latest