Davao del Sur, Surigao del Sur niyanig ng lindol
MANILA, Philippines – Niyanig ng magkakasunod na lindol ang Davao del Sur at Surigao del Sur nitong Sabado ng tanghali.
Batay sa latest monitoring ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang 2.0 magnitude na lindol at ang sentro nito ay nasa may 014 kilometro hilagang Silangan ng Santa Cruz Davao del Sur dakong alas-12:35 ng tanghali. Ang lalim ng lupa sa naganap na lindol ay may 010 kilometro.
Bago ito, isang pagyanig din ang naitala ng Phivolcs na may lakas na 2.1 magnitude ganap na alas 10:06 kahapon ng umaga at ang sentro nito ay nasa 032 kilometro hilagang silangan ng Lingig Surigao del Sur.
Ang lindol ay may lalim ng lupa na 0.36 kilometro.
Ayon sa Phivolcs pawang tectonic ang ugat ng naturang mga lindol.
Wala namang naitalang napinsala ang naturang lindol at wala ring aftershocks.
- Latest