^

Police Metro

Enrile: Re-opening sa imbestigasyon ng Mamasapano walang pulitika

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile ang akusasyon ni Pangulong Benigno Aquino III na may halong pulitika ang gagawing pagbubukas muli ng pagdinig ng insidente sa Mamamasapano na ikinasawi ng  44 miyembro ng Special Action Force (SAF) noong nakaraang taon.

Anya, wala siyang galit laban sa Pangulo pero nais niyang gawing malinaw kung ano ang naging partisipasyon nito sa nangyari dahil hindi pa malinaw kung ano talaga ang naging papel ng Pangulo na sinasabing siyang pinaka-responsable umano sa nangyari.

Ayon pa kay Enrile, wala siyang ibang motibo sa paggigiit na buksang muli ang imbestigasyon at hindi siya dapat paghinalaan na mayroon siyang political agenda.

Hindi naman niya igigiit na dumalo sa pagdinig ang Pangulo pero igagalang umano niya ito sakaling magdesisyon siyang dumalo.

ANG

ANYA

AYON

ENRILE

MAMAMASAPANO

PANGULO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PINABULAANAN

SENATE MINORITY LEADER JUAN PONCE ENRILE

SIYANG

SPECIAL ACTION FORCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with