^

Police Metro

Karamihan sinumpong ng high blood atbp... 2 deboto todas sa Traslacion

Ludy Bermudo at Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi kahapon ang dalawang debotong lalaki sa kaganapan ng Traslacion ng Itim na Nazareno matapos mawalan ng malay at makaramdam ng paninikip ng dibdib sa magkahiwalay na lugar sa Quiapo at Arroceros, Ermita, tabi ng Manila City Hall.

Hindi pa ibinunyag ang pangalan ng 27-an­yos na lalaki na nasawi sa tapat ng Bonifacio Shrine, tabi ng Manila City Hall na dinaanang ruta ng prusisyon.

Ayon kay Philippine Red Cross (PRC) Secretary Gwendolyn Pang na ang unang biktima ay residente ng Blumentritt na nakitang nag-seizure bago nawalan ng malay matapos mahirapang  huminga nang sumampa sa andas na pansamantalang nakatigil sa tapat ng City Hall.

Ang ikalawang nasawi ay  ang 48-anyos na si Mauro Arabit, hindi naman sumama sa prusisyon bagkus ay dumalo sa banal na misa sa Quiapo Church kahapon ng umaga ay biglang nanikip ang dibdib habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay at nabagok ang ulo sa semento.

Naitakbo pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktima, subalit hindi na ito uma­bot ng buhay.

Nabatid na marami rin  ang sinumpong ng high blood pressure, nahilo at hinimatay sa hanay ng mga deboto ng Itim na Nazareno.

Napaulat rin na marami ang nabiktima ng mga mandurukot kabilang ang isang reporter ng Radio Mindanao Network na nawalan ng P4,000 cash, ATM card at ID habang nagko-cover sa kasagsagan ng prusisyon.

Sa assessment ng NCRPO bandang ala-1:00 ng hapon, tinata­yang nasa 1.3 milyon ang mga debotong lumahok sa prusisyon na nakitang naglakad sa may Jones Bridge habang nasa 70,000 naman ang mga deboto na nasa simbahan ng Quiapo.

ACIRC

ANG

BONIFACIO SHRINE

CITY HALL

ITIM

JONES BRIDGE

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MANILA CITY HALL

MAURO ARABIT

NAZARENO

PHILIPPINE RED CROSS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with