12-anyos dinos-por-dos ng magsasaka
MANILA, Philippines – Pinaghahataw ng kahoy na dos-por-dos ang isang 12-anyos na dalagita na itinago sa pangalang Vanessa ng isang magsasaka na pininiwalaang sinapian ng masamang espiritu kamakalawa sa lalawigan ng Kalinga.
Pinaghahanap ng pulisya ang suspek na kinilalang si Gassat Sagingit, 30, residente ng Tulgao West, Tunglayan, Kalinga.
Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi ay nag-iisa ang biktima sa bahay at naghahanda ng hapunan nang biglang pumasok ang suspek at walang kaabog-abog na hatawin ng kahoy na dos-por-dos sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nang bumagsak ang dalagita ay mabilis na tumakas ang suspek.
- Latest