^

Police Metro

Opisyal ng pulis binoga sa checkpoint, patay

Joy Cantos at Ed Casulla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang isang opisyal ng pulisya makaraang barilin ng sniper habang nagsusuperbisa sa checkpoint sa kahabaan ng highway sa Sitio Pinagbadilan, Barangay Buga sa bayan ng Libon, Albay kahapon ng umaga.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Marlo Meneses, director ng Albay PNP, kinilala ang opisyal na si P/Senior Inspector Joerem Kallos, deputy chief of police sa nasabing bayan.

Lumitaw sa imbestigasyon na abala si Kallos sa pagmamando sa checkpoint bilang suporta sa manhunt operation sa isinilbing warrant of arrest laban sa wanted na ex-Army personnel na si Gilbert Concepcion nang barilin ng sniper kung saan nasapul ito sa likurang bahagi ng katawan. 

Si Concepcion na kabilang sa most wan­ted sa Kabikulan at  lider ng gun-for-hire gang ay pangunahing suspek na pumaslang sa ex-engineer  ng Makati City na si Nelson Morales may ilang taon na ang nakalipas sa bayan ng Malinao.

Si Kallos at ang team nito kasama ang mga tauhan ng Albay Police Public Safety Command at Regional Public Safety Battalion sa pamumuno ni P/Chief Inspector Rodel Pescuela ay magsisilbi ng warrant of arrest laban kay Concepcion ng maganap ang insidente.

Nabigo naman ang team ng pulisya na maaresto ang lider ng gang matapos silang salubungin ng pagpapa­putok ng grupo hanggang sa makatakas ang mga ito.

Nagawa pang maisu­god sa pagamutan sa Ligao City ang biktima pero idineklarang patay.

vuukle comment

ACIRC

ALBAY

ALBAY POLICE PUBLIC SAFETY COMMAND

ANG

BARANGAY BUGA

CHIEF INSPECTOR RODEL PESCUELA

GILBERT CONCEPCION

LIGAO CITY

MAKATI CITY

MARLO MENESES

NELSON MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with