15-anyos dinukot, ni-rape ng dating pulis
MANILA, Philippines – Nagmistulang sex slave ang isang 15-anyos na dalagita na matapos dukutin ng isang dating pulis ay ginahasa pa ito ng maraming beses sa Brgy.Tara, Sipocot, Camarines Sur.
Nagsagawa naman ang mga otoridad ng rescue operation dakong alas-7:55 ng umaga at naaresto ang suspek na dating parak na kinilalang si Renato Suarez, 41 at nailigtas ang biktima na itinatago sa pangalang Minda na nasa state of shock pa bunga ng insidente.
Ang operasyon ay base sa reklamo ng ama ng biktima na si Mariano Gongora na dumulog sa pulisya upang humingi ng tulong dahilan armado ang suspek.
Sa isinagawang beripikasyon ay natukoy naman ang tunay na pagkakakilanlan ni Suarez na si dating PO1 Henry Quinones, residente ng Basud, Camarines Norte. Si Quinones ay dating nakatalaga sa PNP-Special Action Force na nag-AWOL (Absence Without Official Leave) simula pa noong 2010 at may warrant of arrest rin sa kasong murder sa Daet, Camarines Norte.
- Latest