^

Police Metro

Pulis na nakapatay sa lider ng sindikato, utas sa resbak

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bago pa man makaalis ang isang pulis matapos mapatay niya ang isang lider ng sindikato ay napatay din siya ng mga miyembro nito naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Paliparan III, Dasmariñas City, Cavite.

Ang napatay na pulis ay kinilalang si PO3 Andy Viadumang, 36, may-asawa, residente ng Imus, Cavite at nakadestino sa Imus City Police station.

Ang suspek na napatay na umano ay lider ng isang sindikato ay kinilalang si Noel Latoza, 34, may-asawa, residente ng Sitio Pintong Gubat ng nasabing barangay.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi nang makatanggap ng ulat ang Dasmariñas City police station tungkol sa isang insidente ng barilan sa Molino-Paliparan Road.

Nang magresponde ang mga otoridad ay nadatnan ang bangkay ni PO3 Viadumang  na tadtad ng bala ang katawan na nasa driver seat ng sasakyan niyang Hyundai Tucson na walang plaka.

Ayon sa ilang testigo na nakipagbarilan umano ang pulis kay Latoza na kanyang napatay at nang sumakay ito sa kanyang sasakyan ay hinabol siya ng mga kasama ng suspek at pinagbabaril.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung bakit nandoon ang pulis gayung ito ay nakadestino sa Imus at napagalaman din na may mga nakabinbing kaso si Latoza.

ANDY VIADUMANG

ANG

ATILDE

CAVITE

DASMARI

HYUNDAI TUCSON

IMUS CITY POLICE

LATOZA

MOLINO-PALIPARAN ROAD

NOEL LATOZA

SITIO PINTONG GUBAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with