LTFRB naglabas ng 900 special permits para sa Undas
October 28, 2015 | 10:00am
MANILA, Philippines - Nasa 900 special permits ang naipalabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga Metro Manila buses na nais pumasada sa probinsiya sa panahon ng Undas.
Ayon kay Atty. Ariel Inton, boardmember ng LTFRB, mula ngayong October 29 ay epektibo na ang special permit at magtatagal ang bisa ng special permit hanggang sa November 3 sa panahon ng pag-uuwian naman sa Metro Manila ng mga pasaherong nagtungo sa mga lalawigan.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Latest
Recommended